Grabe na talaga ito, nakita nyo ba ang episode na ito ng Raffy Tulfo in Action ng isang Ale na kung saan ay halata masyado ang pangloloko nito at pang-aabuso sa kabaitan ni Raffy Tulfo.
Di na nahiya ang Ale na ito na ginamit pa niya bilang kanyang strategy ang anak para kunyari makalapit kay Raffy Tulfo ng tulong. Ang mali ay bakit 350 pesos lang ang pinunta nila doon para ihingi ng tulong pambili daw ng toga ng anak niya.
Yun pala sa bandang huli ay kanya palang ihihirit ang kanyang talagang totoong motibo ng pagpunta doon at yun ay makahingi ng puhunan kay Raffy Tulfo. At alam nyo ba magkano pa talaga demand nito na pampuhunan daw, 30k lang naman, ganito katindi si Ateng ito
Nahalata naman siguro ito ni Raffy Tulfo ang totoong pakay nito at dahil mabait lang si Raffy Tulfo ayun nag-success si Ateng sa kanyang plano na makahuthot ng pampuhunan para sa itatayo nya umanong sari-sari store o karenderya.
Grabe to the highest level ang kakapalan ng pagmumukha ng Ate na ito para lang makakuha ng pampuhunan, sana nga pampuhunan. Kayo kaya nyo bang gawin ang ginawa ng Ateng na ito para lang makakuha ng pampuhunan?
Comments
Post a Comment